#129 Filipino Poetry: "Pagkakamali"

Pagkakamali


Hindi ko mapigilan ang sarili
Na umiyak na lamang sa isang tabi
Damdaming nasasaktan
Tayo nga ba ay naglolokohan

Walang ibang malapitan
Pagkat hindi sigurado sa kahihinatnan
Ang hapdi at sakit na nararamdaman
Para bang pinapatay ka ng dahan-dahan

Isip ko ngayo’y gulung-gulo
Kailan nga ba ako matututo
Noon pa sana’y binitawan na
Para hindi mahirap kalimutan ka

Walang maisip na dahilan
Kung bakit hanggang ngayo’y pinaglalaban
Na para sayo’y walang katuturan
Sa ating dalawa, ako lang ang nahihirapan

Pagkakamaling hirap na maitama
Sa tagal ng ating pagsasama
Puso ko’y wasak na wasak na
Wala nang mailuluha pa

Damdamin ko’y biglang namanhid
Hindi na natatakot tumawid
Mangyari na ang dapat mangyari
Ihahanda ko na lamang ang aking sarili


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Congratulations, you were selected for a random upvote! Follow @resteemy and upvote this post to increase your chance of being upvoted again!
Read more about @resteemy here.

Feel kau nako.. may pinagdadaanan kaba? Hehe

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.17
JST 0.028
BTC 68746.72
ETH 2456.17
USDT 1.00
SBD 2.43