#113 Filipino Poetry: "Minsan Isang Araw"

"Minsan Isang Araw"

Minsan isang araw,
May nahagilap aking pananaw
Bilis ng tibok ng puso'y naranasan
Habang siya'y dumaan sa'king harapan

Noon pa may di na siya nakalimutan
Dinadasal kung kailan siya ulit masisilayan
Minsan isang araw nakaslubong ulit
Sobrang kasiyahan tinatago Kong pilit

Kasing ganda pa din siya ng dati
Na kaya ko siyang titigan palagi
Hindi ko na sinayang ang panahon,
Na Minsan isang araw, kilalanin siya sa tamang pagkakataon

Lumapit ako at nagpakilala
Kinilig ako ng marinig ang kanyang tawa
Pero ito'y saglit lang at siya'y umalis
Nag-iwan ng calling card tas' naglakad ng mabilis

Sa FB sinearch pangalan niya
Nandilat ang mga mata sa aking nakita
Ang akala Kong magandang babae,
Minsan, noong araw ay isa palang lalaki.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Nice post.I respect you very much because you contribute to steemit.I will do activities like you.I would like to extend the steemit.

Nice poetry @themanualbot ..the last part was funny hehe.

upvoted & following you . . .
images (20).jpeg

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65634.72
ETH 3493.40
USDT 1.00
SBD 2.51