#9 Filipino Poetry: "Binata Part 1" (PowerUp Poem)steemCreated with Sketch.

"Binata Part 1"

Nandito na naman tong babaeng to
Sa tingin ko nakita niya akong
nakatitig sa kanya. Wag naman sana.

Inaayos niya buhok niya
"Ang ganda mo kaya kahit wala
sa ayos ang buhok mo!"

Tinawag na ako ng mga kaklase ko.

Gusto ko pa sanang mamasdan siya.
Ayun break na, kakain na ako.
Nang nakita ko siya, laking gulat ko.
Tinignan niya ako
tinignan ko rin siya.
Nagkatitigan kaming dalawa.

Bumaling ang kanyang paningin sa iba
habang ako nakatitig pa rin.
Napakaganda niya
Tumingin siya ulit, namula ako sa kilig.

Nag text siya sa akin, sabi niya "hi"
Pero dinedma mo lang.
Hindi ako nagreply kahit gustong gusto ko na siyang replyan.

Sa mg nagdaan mga araw, lagi niya akong
nakikitang nakatitig sa kanya.

At kapag nakita ko siyang ganun, ini-iba niya ang kanyang tingin.
Nasaktan ako, baka di niya gusto ang mga titig ko.

Kahapon sa daanan, kami nagkasalubong
Tuloy tuloy lang ang lakad.
Galing ako sa silid aralan ko
siya marahil galing sa banyo

Kinakabog na ako sa kaba
magkakasalubong kami ng malapit sa isa't isa
Nang malapit na malapit na
Naamoy ko ang bango niya.

Napag-isip ako kung ngingiti ako sa kanya
o iwawagayway ang kamay para makita
Pero hindi, hindi ko tinuloy
Baka ako'y dedmahin at mapusoy

Tumingin siya sa gilid
Baka wala siyang paki na nasa paligid ako
Ngunit ulit nakita ko pasulyap sulyap
na nakatingin sa akin ang kanyang mga mata.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

Sort:  

Congratulations @themanualbot! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Haha cge go lang! Ayaw padala sa katorpe. 😄 Makalingaw basahon. 👍

Haha atik rana. pero nindot sumpayan. 😀😀

Mao jud. Why not. Nindot bitaw. 😄

Cge. huwata ha. 😉😊

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60023.73
ETH 3191.15
USDT 1.00
SBD 2.45