#81 Filipino Poetry: "Wag Kang Mag-alala"
"Wag Kang Mag-alala"
Muntik na naman mawala sa piling,
At labis na pangamba na baka ikay mawala ng tuluyan.
Binawi ko ang gusto dahil di ko maisip na maging ganito
Wag kang mag-alala hindi kita iiwan ng basta basta
Kung ang lahat ng pighati ay mahahati sa dalawa
Sana'y maging matapang ka at mabuhay mag-isa
Patuloy pa rin akong maghihintay
sa iyong pagbabalik na walang kasiguraduhan
Hindi ako titigil at walang sinuman ang makakapigil
Kung ang lahat ng ito ay isang elusyon
Wag kang mag-alala, gagawa ako ng isang mahika
Magsisimula na naman ako sa umpisa
Sana'y walang problema at tuloy tuloy ang saya
Hindi man ako karapat dapat sa tingin mo
Hahanapin ko lang ang nawala, ang sarili ko.
Wag kang mag-alala, darating din ako sa dulo
Mga pangarap ko'y maaabot gamit ang aking talino
Wala ka man sa piling ko habang binubuo ko ito
Wag kang mag-alala, alay ko ang lahat sa'yo
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash
Wow really a very nice poertry... thank you for sharing with us...@themanualbot
Really good post.
Like it....
Thanks
@manualbot how to be you po? nice tula sir very inspiring.
ganda ng pagkakasulat. nakakamangha :)
atik kai ka. hehe sige lang kog drama. :)
sunod palanggaon na lang tika :)
sana ganito ako gumawa ng tagalog poetry :(
@originalworks
The @OriginalWorks bot has determined this post by @themanualbot to be original material and upvoted it!
To call @OriginalWorks, simply reply to any post with @originalworks or !originalworks in your message!