#127 Filipino Poetry: "Lihim"

Lihim


Puso ko’y kinikilig
Sa nadaramang lihim na pag-ibig
Kahit saan man magpunta
Ikaw lamang ang iniisip sinta

Sa Araw at gabi na dumaan
Puso’t isipa’y sa’yo lamang nakalaan
Sana’y nadarama mo din
Sa’yong pagmamahal handa akong magpaalipin

Sa pagtulog laging dinadasal
Na sana bukas hindi mauutal
Pag ika’y nakaharap at nakakausap
Isipan ko’y napupuno ng pangarap

Sa aking paggising
Nanabik masilayan mukha mong nagniningning
Hindi maiwasan na ikaw ay titigan
Sana balang araw ako din ay ‘yong maibigan

Ngunit ng aking nalaman
Iba pala ang iyong napupusuan
Mundo ko’y para bang gumuho
Mga pangarap biglang naglaho

Kaya pag ibig na para sa’yo
Ay akin na lamang itatago
Basta makita kitang masaya
Mananatiling lihim ang lahat ng nadarama.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

nice post writing....

upvote give me and follow me

https://steemit.com/@mdnurunnabi

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.16
JST 0.032
BTC 63891.49
ETH 2753.67
USDT 1.00
SBD 2.66