#87 Filipino Poetry: "Ating Lisanin"

in #filipino-poetry7 years ago (edited)

photo-1493759919241-ba9c01724a60.jpg

"Ating Lisanin"


Sa aking pagmulat
Galak ko'y di maipaliwanag
Wari'y ito'y biyaya
Na di kayang matumbasan

Ngunit sa paglipas ng panahon
kariktan ay gumuho
Ito'y biglang naglaho
Sabay sa pag-ikot ng mundo

Di ko maikubli
Ang pinipintig ng damdamin
Ako'y iyong hinubog
Ng pag-aarugang katangi-tangi

Bakit ito'y naglaho?
Sadyang di ko mawari
Ang aking paghihinayang
Ay mahigpit na nakatali

Kapit lang!
Dilubyo'y likas na sa atin
Ang paglisan ng katapangan
Ay sabay sa paglisan ng iyong ninanais

Hangga't tayo ay humihinga
Matingkad na buhay
ay sa ati'y nakabalikat
Ito'y ating gawing sandalan

Halika giliw ko
Sabay tayong lilipad at sabay tayong
aangat!
Kalungkuta'y lisanin at
Pag asa'y ating baunin


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Kapit lang kayo! Sabay kayong lumipad! Sabay kayong lumipad! Sabay niyong lisanin ang malulungkot na karanasan! An open note to both of you guys. Awwwe. Haha. Hugot kaayo ang tula @themanualbot

wow.. galing!

What's a lovely post

Napapakanta ako neto nung sa Super Inggo ba yun. Wag kang bibitie bigla. Wag kang bibitiw bigla.

Lisanin angmalungkot na mundo ng kapit kamay.
Walang bitawan .. ahhh how sweet hehe :D
Sana ganito kami palagi pero hindi eh . :(

I wonder how many women get lured by the words that come out from your poetic mouth. In layman's term, isa kang alamat ^^

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 68425.65
ETH 2646.01
USDT 1.00
SBD 2.68