#58 Filipino Poetry: "Kadiliman"
"Kadiliman"
ang kadiliman ay laging nagkukubli
At sa paglakbay mo sa kailaliman nito,
tiyak ang gulat mo kung ito'y dadampi sa iyo.
Ito man ay nagtatago, ito rin ay naninirahan
Minsan nagkukunwari ngunit hindi naman maitatangging nandiyan
Kasing lawak ng karagatan na madilim sa ilalim
Tatanungin mo ko kung anong mali
At hindi ako iimik at walang isang salita ang lalabas sa aking bibig
Dahil kung ako'y magsisimula, hindi na matatapos
Hindi mo man makita kung gaano kalungkot ang ganito
Hindi mo rin malalaman ang haba ng aking tinakbo
Sa tingin mo'y kita mo na ang puso ko
Puso ko lang iyan at hindi luha na tumutulo
Sa panahon na ika'y lumisan
Dama ko ang baba ng aking pagkakalagyan
Bakit di ka nanatili
O kaya'y kunin mo na lang ako
Hindi ko nakita ang pag-asa
Dahil ito'y madulas na parang may grasa
At ang huli niti ay lubid
Na nakatali sa aking le-eg
Kahit alam kong ikay babalik
Dahil dasal ko ang iyong presensya
Matututo kaya ako tingin mo?
Ano kayang makukuha mo?
Nakita kita ngayon lang
Na parang malayo ang agwat
Ngunit kadiliman ko'y dito parin
Habang buhay ng kapiling.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo
- Pagbati sa Walang Ligtas
- Mainit na Gabi
- Salamin
- Inuman
- Prinsipyo
- Aklat
- Ukit
- Mangkukulam
- Bangungot
- Oras na
- Pananaw
- Paalam
- Ako'y Nagbalik
- Napapanahon na Makata
- Tunay na Lalaki
- Alak
- Buhay na Payak
- Sarili
- Maynila
- Nagsisisi
- Mahina
- Luntian
- Pula
- Bitaw
- Sampung Taong Naghintay
- Rosas
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash
sa kadiliman ko nahanap ang iyong liwanag
liwanag na sadya bang maidlap
ngunit sa sandaling ikay nakita
alam kong ikaw ang akong magiging sinta
This post was promoted with @monitorcap traffic bot & STEEM promotion service.
Send MIN. $1 SBD to @monitorcap bot with your link in MEMO field
and recieve upvotes & resteems for your posts. @monitorcap - where 'seen' matters !