#1 Filipino Poetry: "Nakakamiss" (PowerUp Poem)steemCreated with Sketch.

in #pilipinas7 years ago (edited)

images (46).jpg
source

"Nakakamiss"

Sa bawat luhang pumapatak
sabay taga sa
puso kong namamaga
Sa milya, milyang layo
pilit tayong nilalayo
Kahit magbago ang panahon
ang mga luhang ito
ay hindi mababaon
Kaya't ringgin mo
ang mga salitang binubuga
sa sarili kong bunganga

Hahanap ng paraan
para lamang
ikay malimutan
Ngunit akoy nag-iisa
naghahanap ng katanungan
sa aking mga mata
Maliit na bagabag at pagkalito
kapag ang bagay bagay
ay nasa husto
Ngunit nandito parin
paulit-ulit na lang
kung tayo ay mainit
sa damdamin

Sabi mo pa
'hindi ako naaapektohan
sa sinasabi ng iba'
Subalit ikay umalis
nagpakalayo-layo,
at di na dumungaw muli
ang magiliw mong labi
Bakit kaya?
ang tanong ko!
Baka naghihintay ang
taong para sakin,
ang wari mo.
Baka naman
ang magmahal ng iba
ay mas mabuti
kaysa mahalin ka.

Ang dali dali
magkunwari na kaya ko
ngunit alam kong
alam mong di ko kaya.
Ang totoo lang
ay ang sakit na nararamdaman
na hindi, hindi kailanman
malilimutan.
Napagtanto ko sa huli
na kailangan ko nang umalis
pero, di ko kaya dahil
yan ang isa sa bagay
na iyong mamimiss.

"best of time"

Sort:  

sakita sa bangs... T_T

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63688.35
ETH 3125.30
USDT 1.00
SBD 3.97