#88 Filipino Poetry: "Oh Giliw Ko"

photo-1498184103684-bc1a70b0c068.jpg

"Oh Giliw Ko"


Sa oras na ikaw ay aking kasama
Kahit na ang iyong matamis na alay ay wala na
Ang mga tula't soneto na sa iyo inalay
pero pilit parin tayo pinaghihiwalay

Pinalalakas mo ako habang narinig ko ang iyong pakiusap
Pinipilit ang sarili na maging masaya
kahit wala ka sa tabi't aking kayakap
ngunit oras at panahon tayo'y pinagkubli

Hinati ng mga tinik ang puso,
ang mata'y nilinis ng mga luha,
kalungkuta'y bumuhos ng takot
Ngunit ang oras ay nagagalak
at labis kang hanap hanap

Maging matino sa iyong plano,
Para sa mga pang araw-araw na gawain mo
Sa oras ng bagyo ng iyong trabaho,
andito lang ako't handa
sa pagbabalik mo
Oh Giliw Ko


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Akala ko kanta ito...

Oh giliw ko miss na miss kita

haha nakakamiss yung mga lumang opm :)

maganda naman ung mga bago pero iba din ung dala ng mga lumang OPM.. kaya minsan may OPM session ako eh sa spotify..

UPVOTED

Thanks for the support!

Nice post sir.Thanks for sharing your nice article.

Fabulous one!!!

Thank you! :)

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 62233.47
ETH 2998.30
USDT 1.00
SBD 3.50