#114 Filipino Poetry: "Nakakatawa"

"Nakakatawa"


Habang aking naiisip
Mga salitang aking naisambit
Nang akoy lumuluhod at nagmamakaawa
Ako nalang ay natatawa

Bakit nga ba lahat 'yun ay nagawa
Para sa taong walang nadarama
Na kahit isang kusing na pangamba
Sa lahat ng kanyang nagawa na halos ikamatay ko na

Oo nga at akoy nabulag
Sa pag ibig ko sayo na walang katulad
Pero natanong ko sa aking sarili
Ikaw ba talaga'y karapatdapat na pinili?
O sadya lang talaga ako'y nagkamali

Pasensya na at labis kitang minahal
Pero ngayo'y natuto at sarili'y nalang
Ang dapat bigyan ng halaga at pagmamahal
Sana nga ay ikaw ay mahalin niya
Kung hindi ay mababanatan ko siya

Hindi ito isang paalam o kung anu pa man
Nais ko lang magpakatotoo and maliwanagan
Na dapat buhay ko ay akin nang ayusin
Upang pagkakataon hindi uubusin
Para sa walang katuturang paglalaban
Na ako lang mag-isa ang sumabak sa labanan

Labanan na alam ko ay talo na ko
Sa una't-una pa may wala ring panalo
Dahil Ikaw ang siyang nagdesisyon
Kaya naman ay rerespetuhin at sarili'y bigyan ng leksyon


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Napakagandang tula
Sa mapaka gandang umaga
Galing sa magandang nilalang
Na puno ng pagmamahal...

Ayeee... very nice po! Gandang morning xoxo

Walang ano man po :)

napaka ganda ng iyong obrA @themanualbot ipag patuloy,,kung iyong ipaghintulutin ay maaring bumisita sa aking tula..maraming salama po..upvoted po ang iyong tula na napaka amdag damdamin ..magaling po kayo..

Maraming salamat po. Pansin ko rin po yung mga tula niyo. Ipagpatuloy mo rin yan. :)

@themanualbot napakaganda ng iyong obra ....:-)

masakit talaga pag ang ating minamahal, may mahal ng iba
lahat ating gagawain makuha lang ang kanyang pansin
kahit magmamakaawa, lumuhod man ay kayang gawin
sa paglipas ng panahon, babalikan ng tanaw
mga ginawa'y sadya palang nakakaaliw
sapagkat bulag ka sa pag ibig na akala'y sapat
wag mag alala, tunay na pag ibig darating din sa panahong sapat!

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 58167.06
ETH 2592.42
USDT 1.00
SBD 2.44