#120 Filipino Poetry: "Mag-aral"

Mag-aral

Mga kabataan, tayo ay mag-aral
Nang maging marunong sa kinabukasan
Kabataan, tayo ang pag-asa ng bayan
Na sa hinaharap ay tanging maaasahan

Ang dunong ay yamang hindi nawawala
Hindi naanakaw, hindi nakukuha
Ito’y taglay natin hanggang sa pagtanda
Kasama rin natin sa libingang luksa

Maging magiting kahit munti
Maging marangal at katangi tangi
Nang ang ating pamilya ay sumaya
Dahil may mga anak silang labis ang pag-asang nadarama

Ito ang pamanang aking nanaisin
Na mula sa magulang na mahal sa akin
Sa aking pagtingin
Tila iyong diringgin


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Totoo ngang isa sa mga pinakamahalagang regalo na maibibigay natin sa ating mga magulang ay ang diplomang nangangahulugang nagbunga ang kanilang pagsasakripisyo 💕

tama ka jan!

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 62502.56
ETH 3008.63
USDT 1.00
SBD 3.50