#107 Filipino Poetry: "Karamay"

in #filipino-poetry7 years ago (edited)

photo-1505258867551-9a6e9dddb3ef.jpeg

"Karamay"

Ako ngayo'y nag-iisa
sa isang munting isla
Ngunit sa paglingon ko doon
kaibigan ko'ng tanaw sa nayon
Humihingi siya ng tulong
agad naman akong pumunta
at sumaklolo

Kami ay umaasa sa isat isa
Parehong nagbibigay ng biyaya
Sa lungkot man o ligaya
Lagi ay sumusuporta
Sa kanyang pilosopiya
ako ay namangha
Sa aking paninindigan
siya ay lubos ang tuwa

Sanay walang magbabago sa aming dalawa
Maging patas ang tingin sa isa't isa
Sa mata ng Diyos at ng mga tao,
kaming dalawa ay may respeto

Dumaan ang maraming panahon
at ako'y may nalaman
Naging ibang tao ka
at naging makasalanan
Puso ko ay labis ang awa
at paghihinagpis
Kalooba'y gustong tumulong
mai-ahon ka lang sa dilim

Magkaibigang tunay, hindi nag-aaway
Bagkos nagdadamayan sa oras ng kagipitan
Hindi lang ako at hindi lang ikaw ang magkakaibigan
Nandiyan silang lahat handang dumamay, mga kasama sa buhay.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

ang ganda nangtula mo, maganda ang laman sa tula, great job...😀

Ang ganda naman po. check ko din ung iba tula na nagawa nyo napakarami na pala. :)

ou marami2x rami narin. hehe salamat po!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.26
JST 0.041
BTC 97708.75
ETH 3613.59
USDT 1.00
SBD 3.30