#2 Filipino Poetry: "Tumawa ka!" (PowerUp Poem)steemCreated with Sketch.

in #pilipinas7 years ago

images (46).jpg
source

Tumawa ka!

Wala ng mas iinam pa sa tawa,
tawa na maligalig
at walang halong pilit.
Tawa ang nagbibigay gaan
sa taong nawalan.
Tawa ang kinakailangan
ng ilan upang ipagpatuloy
ang laban.

Sa buhay, kaakibat
na ang lumbay at pighati.
Tinitibay tayo nito
kahit ang hirap na
at nakalilito

Patak ng luha
ang dumadaloy
na may kasamang pag-taghoy.
Sa isang taong
nasaktan at
wala man lang malapitan.

Hoy nilalang!
wag kang magramdam
alalahanin mo na may Diyos
handang pawiin yan
at nang matapos.

Iwasan ang pagiging makasarili
at ialay ang lahat sa Kanya.
Lubos mong tanggapin
dahil may ganti itong maganda
Pawis at luha'y
katumbas lamang ay tawa
pasasaan pa at
ikaw rin sa buhay ay giginhawa

Ayun!
Ikaw na ngayun ay
masaya at tumatawa
Kahit na may luha
na nakikita sa mga mata
Ang ibig sabihin lamang
ay nagtagumpay ka
at pinapangarap mo
ay abot tanaw mo na.

"best of time"

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64254.80
ETH 3145.34
USDT 1.00
SBD 3.88