#101 Filipino Poetry: "Harap sa Harap"
"Harap sa Harap"
Isabay ang tindig na maliksi,
Sabayan ng click ng kamera
Click! Naipinta ang magandang awra.
Tignan ang nakuhang photo,
Kung saan nasabing loko!
Pangit pala ang kuhi nito!
Kaya "delete" agad sa kinuhang di
gusto.
Isa pa! Madaling sabi,
Pangalawang porma na walang
katabi,
Click! Click! Ang narinig ni Bernie,
Wow! Ito na! Yan ang nasabi.
Ipinost sa "FB" nang walang duda,
Na magkaka-like ito ng bonggang-bongga,
Like, Comment! Gawa ng madla,
Share din pag may time, minsa'y
nagawa.
Ooops! Pero ingat lang naman,
Kagaya ng isang babaeng nahulog
sa hagdanan,
Na kay takaw sa selfie noong
nakaraan,
Ayan tuloy! Trip to heaven ang
nadatnan
Kaliwa, Kanan, Pa cute nang
dahan-dahan
Taas ng "cellhpone" harap sa harap,
SELFIE!
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash
Omggg 😱 Ganda ng tula mo 👏👏👏
Salamat @gwenbyyy. :)
Walang anuman.
May sense talaga eh. 😊
Your post is very interesting and many people love it, I will support you anytime.
Can you see my introductory post
https://steemit.com/introduceyourself/@siedot02/my-introductory-post
Malupit! Ngayon nalang ulit ako nakabasa ng tula. Thanks for sharing!
GALING TOL!! SIGE KEEP IT UP TOL. SALAMAT. SUNODAN
Very cool
thanks, happy today! upvoted!
i enjoy your post! thanks