#94 Filipino Poetry: "Pananampalataya"
![photo-1510655150663-0c70ce372c88.jpeg](https://steemitimages.com/DQmVR4YXzP9LoBmtm3mx81xxuAcEiJHWPFEdSFkZKnGQdWB/photo-1510655150663-0c70ce372c88.jpeg)
"Pananampalataya"
Bawat isa sa ati'y nabuhay sa mundong 'to
Na may kanya-kanyang prinsipyo
At may pinanghahawakang paniniwala
Na sa atin ay pilit na kumakawala.
Ngunit ano ba talaga ang pananampalataya?
Sapat na ba tayo ay magsimba
Kada araw na sinasabi sa ating bibliya
O pagsasabuhay nito sa araw-araw nating ginagawa?
Siguro naman ay iyong nahinuha,
Ang sagot na dapat natin noon pa ginawa
Dapat natin itong pagsikapang isabuhay
Hindi lamang ngayon ngunit sa panghabang buhay
Sa isang lugar ako ay nagawi
Lugar na kung saan lahat ay ngumingiti
At sumasayaw sa agos ng emosyon
Dala ng kanilang matinding debosyon
Minsan ako'y napatanong,
Kung gaano ito nakatulong
Para tao'y magkaroon ng direksyon
Para sa bawat isa nating misyon.
Pero gayunpaman,
Ako ay namangha sa lahat ng aking nasilayan
Na iba rin talaga ang may paniniwala
Na sa ati'y gumagabay sa bawat nating ginagawa
Hindi lamang ito nagbibigay ng inspirayon sa atin
Ngunit ito ay nagbubuklod rin
Na sa kabila ng ating pagkakaiba,
Iisa tayo pagdating natin sa ating pananampalataya.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash
![New-Animation-1.gif](https://steemitimages.com/0x0/https://steemitimages.com/DQmZgach6tgw4mQb7fHUNE4dwtiJ4t8MNr87UXSm8hnB8E9/New-Animation-1.gif)
![follow_themanualbot.gif](https://steemitimages.com/DQmcQHp1zgotV2rSv56MRqhczBqPckMMMweXfv4pJWSWGjN/follow_themanualbot.gif)
upvoted kapatid, magaling ang gawa mong obra
Nice tula @themanualbot. Keep posting and sharing our amazing tagalog langguage. You got my vote. God bless!
Thank you for the support.
@originalworks
The @OriginalWorks bot has determined this post by @themanualbot to be original material and upvoted it!
To call @OriginalWorks, simply reply to any post with @originalworks or !originalworks in your message!
i enjoy your post ^^! Thanks.
good!.
Tangkilikin ang sariling atin. Thanks for this @themanualbot. :))
Walang anuman, @emmanuelle.
Napakaganda ng iyong mga obra. 😊
Daghang salamat :)
happy for today!