#70 Filipino Poetry: "Pasko sa Pinas"

photo-1480412904173-931fd2ecfccb.jpg

"Pasko sa Pinas"


Sa pagsisimula ng Septiyembre,
hanggang pagsapit ng Disyembre,
mga pamaskong handog ay wagas na tinitimbre
Wala nang mas hahaba pang Pasko sa buong mundo,
sa Pilipinas lang matatagpuan ito

May mga tradisyong hindi mawawala,
gaya ng Simbang-gabi na sa umaga ginagawa
Puto bumbong na kaysarap kainin,
paglabas ng simbahan ay siyang lalamunin

Belen, Parol, at nagkikislapang bombilya,
mga palamuting may hugot ng Pasko
Bahay mo'y walang kasigla-sigla,
kapag wala ka ng mga ito

Limas lahat ng barya mo,
sa mga batang nagka-Karoling sa may kanto
Abutan mo man ng limang piso,
"Tenkyu ang babait ninyo" ang sambit nila sa'yo

Monito-Monita sa regalo'y magbibigayan,
Bitbit ang handog para sa nabunot na pangalan
Syempre hindi rin mawawala ang bigay na Aguinaldo,
hangga't hindi ka tinataguan ng Ninong at Ninang mo

Sa pagsapit ng Noche Buena,
nakahanda ang hamonada at keso de bola
Hindi rin mawawala ang lechon sa mesa
Ngunit wala nang mas sasarap pa,
kung sa Pasko'y kasama ang buong pamilya


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

masaya ako sapagkat gumagamit ng ating sariling lenguwahe..salamat kapatid.. @themanualbo

Pasko na naman! O kay tulin ng araw!

Paskong nagdaan tila ba kung kailan lang. 😎

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.26
JST 0.041
BTC 98556.18
ETH 3491.32
USDT 1.00
SBD 3.37