#43 Filipino Poetry: "Paalam"

photo-1473328849468-949cd295c278.jpg

"Paalam"

Ang mga ala-ala ko sa'yo
ay naka-ukit sa aking puso
Walang bagay sa mundo
na sa atin ay mapagpapalayo

Dahil ikaw ay wala dito
Naiisip ng iba na ikaw ay wala na
Ngunit sinasabi ko lang sa kanila
Na ikaw ay nag moved-on na

Sinubukan kong maging positibo
Tinitignan ka hanggang sa kung saan
Sinasabi nila na 'tanga ka na!'
Pero para sa akin ganito talaga.

Tayo ay sobrang masaya
Sana masabi ko pa
Na maganda kang talaga
Hindi ko makakalimutan ang mga araw na iyon

Napaka kwela mong kasama
at ang ugali mong napakaganda
Lahat ng lalaki gusto ka
Lahat ng babae kinaiinggitan ka

Alam ko na maayos ka na
at kung gaano ka parin kung mahiya
Ngunit sanay nasabi mo ang isang bagay
Na ako lang at walang iba.

Ang lahat sa'yo ay nakapaganda
May marami kapang tinataglay na kabutihan
Kapag iniisip ko iyan
Ang damdamin ko'y nanghihinayang

Oras ko nauubos sa kaiisip mo
At iniisip ang mga bagay na nasabi at nagawa

Anong di ko maibigay
Nang ako ay mapunta sa iyong lugar
Bibigay ko sa'yo ang mundo
Para makita lang ang mukha mo

Sinasabi nga ng iba na ako'y tanga
Hindi ba nila naiisip na ang sakit na aking tinatamasa

Ikaw ang gamot ko
Pinagkukuhan ko ng lakas
Ngunit sana'y hindi nangyari
Na ika'y nagpaalam at umalis


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Minsan sa buhay natin nawala bigla ang taong iniirog,
Pero di ba natin natanong ang ating sarili na tayo ay naalog.
Panay bugso ng damdamin ang papairalin,
Pero takbo ng utak di pinapansin.

Kung talagang mahal mo,
Dapit mong intindihin.
Lawakan ang pangunawa at mga paligwanag nyan inying dinggin.
Baka sakali dun mo malaman na ikaw pala ang dahang-dahang lumisan sa kanyang piling.

Walang forever lagiii :D

aww sino ba yan ha? awayin natin hahaha char

omg ger... nosebleed pero i got through it..
how romantic.. :) uyyy sino toooo!!!

Congratulations @themanualbot! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60023.73
ETH 3191.15
USDT 1.00
SBD 2.45