#80 Filipino Poetry: "Konti na lang"

photo-1461896836934-ffe607ba8211.jpg

"Konti na lang"

Isa, dalawa, tatlo... takbo!
Yan ang sigaw ng puso mong uhaw sa pagmamahal
Na parang karera ng mga kabayo na naguunahan sa dulo
Makuha lang ang hangad, na manalo.

Konti nalang makukuha na ang panalo
Napakaganda ng laban, walang nagpapatalo
Ginto't pilak ang premyo sa magwawagi
Ngunit higit sa lahat, puso ay may sinasabi.

'Konti na lang tayo na ang magwawagi,
wag kang huminto at ibigay ang buong lakas.'
Yan ang sigaw ng isang magiting na kalahok.
Hindi nagpapakita ng kahinaan ng loob

Nararamdaman na nila ang tensyon at kaba
Mga taong madla na may kanya kanyang suporta
Konti na lang at nakikita na ang liwanag
Ng mga kalahok na walang humpay ang banat

Isang minuto nalang at matatapos na ang karera
Oras na kasing tagal ng isang dekada
Ang daming nagtiis at ginawa ang lahat ng makakaya
Konti na lang at may hihirangin na sa harap ng sinta.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Konti nalang. konti nalang talaga ang halaga ng SBD hahahahahahahuhuhuhuhu leche

Very nice poetry...greate skills you have...thank you for sharing with us...@themanualbot

ang galing! upvoted and bakit po walang resteem?. just have one question. i am one of the noobs here. i just wanted to know. paano nyo po ginitna yung lines? thank you po

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 60429.37
ETH 2327.68
USDT 1.00
SBD 2.52