#79 Filipino Poetry: "Pagod"

photo-1501772418-b33899635bca.jpg

"Pagod"

Palagi nalang bang ganito?
Hindi mo man lang nakikita ang mga pagbabagong pinanghahawakan ko.
Na kahit na anong pilit kang pilitin,
Iba parin ang tinitibok ng damdamin

Mga kulay na aking nakikita sa mata,
iisa lang ang mailalarawan sa kanila
Ang lamya ng aking mga kilos
pag ikaw ay wala sa tabi, aking irog.

Pagod na ang utak sa kaiisip
ngunit ang pusong di magpapatalo at napakaligalig
Ang ngiting iyong nakikita
ay may kurot na tinatago kapag ikay may kasamang iba

Wag kang mag-alala sa damdaming naglilihim
Ito yung mga tipong, iisa lang ang tunay na sinisigaw at hahangarin
Kapag may nagbago sa akin,
tiyak mabuti ang kalalabasan at sa iba'y pupurihin

Huli man na malaman mo ang lahat
Kahit na sa ibang banda, ikaw lang ang sapat
Wag mong hayaang mapagod ang isang tulad ko
Dahil baka sa huli, mapagod man ito, ikaw parin ang gusto.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Ang ganda nang pagkagawa, natutuhog ko talaga ang mensahe.

hehe maraming salamat.

Namiss ko magkomento
Sa mga tula mong pabibo
Napaisip ako kung sino ang pinariringgan mo
Sana sa huli maging kayo...

Char baki!

Wow very nice poetry..you are so greate.. thank you for sharing...@themanualbot

Awesome...used google translator..very nice rhyming
"The brain is tired of thinking
but the heart is not beaten and it's overwhelming"
This is awesome!!!!

Your great :)

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 58167.06
ETH 2592.42
USDT 1.00
SBD 2.44