#7 Filipino Poetry: "Hinahanap ang Yakap" (PowerUp Poem)steemCreated with Sketch.

"Hinahanap ang Yakap"

Hindi ko matiis ang damdamin na sumasayaw
Kaya pilit hinahanap
ang iyong pusong
minsa'y sa akin
Dahil hindi lang minsan,
tuwituwina kang kapiling
sa tabi ng mismong
mga bisig
Natatakot na kalooban
na baka'y di na babalik pa
at walang hanggan na
mag-isa.

Kahit kay tagal na
iyon ay lumipas,
lahat ay ganoon pa rin
Hinahanap ka
kahit saan mapunta
Gusto ko lang makita
ang napakaganda
mong mukha
Dahil, mahal ko,
pagmamahal ko
ay umaapaw ng todo

Lumingon ka naman
dito at sa akin.
Naniniwala lang ako
sa'yo at wala ng iba
Mga sikreto natin
ay nananatili at
walang ibang nakakaalam.

Unti-unti ikaw ay lumapit
Kala ko'y di mo mapapansin
ang nagdadabog na damdamin
Ang mga alon sa dagat
ay tumigil kasabay
ng mga yapak mo sa buhangin
Dumilat ako, ikaw ay nakaharap
di ko napigilan
agad kitang niyakap!


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

Sort:  

Ayos! Parang inspired ka. haha

Ayos ba? Haha parang expird eh.😂

hahaha hindi nga halata eh. Parang may lovelife ang datingan ng post. 😂

Wala.. strict ang parents eh 😭😭

totoo ba? ang tanda na natin eh hahaha

hahah. pinagkalat pang matanda. ansama. 😂😂

hahaha uy hndi naman. wlang msama sa edad ntn hahaha bata bata pa din 😂✌🏻

the best think

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63458.69
ETH 3084.37
USDT 1.00
SBD 3.99