#64 Filipino Poetry: "Saplot"

photo-1502860372601-2a663136d5a2.jpg

"Saplot"


Nung ginawa ng Diyos ang sangkatauhan
Tao’y gumagala na nakalantad ang katawan
Hindi nakakaranas ng kahihiyan
Ni hindi nag-iisip ng malisya sa kung sinuman

Nagbago ang lahat sa isang pagsubok
Pagsubok na sumuri sa katapatan ni Adan at ni Eba
Dahil sa pagtikim ng ipinagbabawal
Pananaw sa mga bagay-bagay ay unti-unting nag-iba

Hanggang sa kasalukuyan,
isipan ng tao ay nagkamalat na
Hindi lumalabas ng bahay,
kung saplot ay hindi kaaya-aya

Kung balot na balot ka,
mapagkakamalang may taglay na kabanalan
Kung pananamit mo’y pag-iigsiin,
ikaw ay huhusgahan ng lipunan
Kung bestido mo’y pormal ang dating,
mamahalin at rerespituhin ka
Kung damit mo’y kupas at butas na,
Pandidirihan ka nila

Suotin mo ang nagbibigay-komportable sa iyo
Huwag magbihis para lang pumatok sa makamasang panlasa
Dahil kahit ano’ng itakip mo,
may masasabi at masasabi pa rin sila,
isipan ng tao ay NAGKALAMAT na


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Napakaganda. Ipagpatuloy. 😊

I didn't understand...but pictures attached is awesome.

you should write a post using english so that everyone can read it

Sorry if this doesnt make any sense for you but in this way, we can promote our own native language. Steemit does not prohibit this kind of posts. 😎😎

ibig kong sabihing ang ganda ng iyong mga tula
ito'y nag uudyok sa akin na magcommento ng mga talata
talatang kaaya-aya
at mahaba

Ngunit mahirap pala pag nasimulan ito
mahirap tapusin kaya maglalaho nalang na parang bula

-ewan ko ba

Maayu kayo ka mutula pud maam @junebride! :)

hahaha... maka enganyo imong mga tula gud

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.21
JST 0.035
BTC 98705.91
ETH 3342.47
USDT 1.00
SBD 3.14