#62 Filipino Poetry: "Ang Makabagong Sandata"

photo-1455390582262-044cdead277a.jpg

"Ang Makabagong Sandata"

Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya
Mga salita mo ang nagsisilbing bagong sandata
Sandatang pwedeng gamitin sa ikasisigla ng karamihan
O armas na maaaring dahilan sa ikababagsak ng iilan

Hindi mo man batid,
ito ay laging nasa iyong tagiliran
Naghihintay kunin at gamitin,
laban sa mapanghusgang bintang ng lipunan
Naghihintay hawakan at ipagkalandakan,
upang maipahayag ang natatanging kaalaman
Naghihintay ilabas at ipamalas,
para ‘di maapi ng kung sinuman

Sa bawat salitang binibigkas
Katapat nito’y makabuluhang responsibilidad
Ngunit maaari itong gamitin laban sa’yo
Kung ang layunin mo’y makasariling hinahangad

Gamitin and sandatang ipinagkaloob sa iyo
Upang paunlarin ang iyong kapwa-tao
Huwag itong itutok basta-basta
Kundi sa huli ay magsisisi ka


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

habang ako'y nagbabasa,
100 tula para kay stella ang aking naalala

-char char lang

haha di ko alam kung bakit marami may gusto nyan, pero prang alam ko na.

marami kasing tula ng pusong sawi

Congratulations @themanualbot! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You published a post every day of the week

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Tama o tamang hinala
Ang mga salitang binigkas ay pweding ikasama
Bawat titik nito ay may kaakibat na gayuma
Na ikay maakit ang mata'y napahanaga

Armas ngang maituring ang bawat huni sa bibig
Mga mapanlinlang salita mula sa labi kumakabig
Dapat mapanuri sa mga nagkukunawaring dapig
Dahil sa huli ang puri mot dangal ay iyong panig

Bow!

Magaling magaling! 😎😎

Magaling nga ba o nagmamagaling lang!
Ngunit ang pakay talaga talaga'y makalamang?

Hmm! Dapat huwag mong masamain,
Na ang ginagawa moy ginagawa ko rin,

Ikaw ay nagtutula't akoy ganun din
Hindi mo ba alam na ang mata koy naakit mo rin!

Sadyang di ko mapagilan mapatula sa iyong gawa
Nabighani ako sa kagandahan ng mga salita

Kaya ipagpaumanhin mo akoy gumaya 't natuwa
Ikaw naman talaga sa huli ang may sala sa dula!

🙏🙏🙏

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 68425.65
ETH 2646.01
USDT 1.00
SBD 2.68