#44 Filipino Poetry: "Ako'y Nagbalik"

photo-1496449903678-68ddcb189a24.jpg

"Ako'y Nagbalik"

Mula sa mga bangungot na aking pinagdaanan
at sa mga paghihirap na pilit kong tinatakasan,
ako ngayon ay nagbalik.
Nagbalik na ang iyong lingkod
mula sa pagkabaon at lungkot
Sana'y inyong batiin at yakapin
para ang tuloy-tuloy na ang ligayang aanihin.

Mula sa aking pagkawala,
may mga tao na nadismaya
may mga iilang hindi na nagpakita
ewan ko, ngunit nalungkot ako bigla.

Mula sa aking pagkawala,
hinanap ko ang aking sarili
para maisip ko kung ano ang aking silbi
ngayon, alam ko na, ito pala.

May natagpuan ako, bagong pinagkakaguluhan
pumasok ako para makatulong sa aking mga kababayan
May natagpuan ako, bagong kaligayahan
bagong pag-asa, bagong biyaya.

Ako'y nagbalik!
Humanda ang lahat sa aking pananabik
Oras pinipilit magkasya
Kalusugan ay nakokompromiso ngunit kinakaya
Nawa'y magtulungan at mag bayanihan!


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Magandang balita ang tulang ito
Mula sa kagaya mo
Ako'y nagagalak
Sa iyong pagbabalik

Nawa ay nasa mabuti po kayong kalagayan @themanualbot. :)

Nakakamiss yung mga tula mo.
Hahaha

Hahah. Bisag loud kaau basahon?

Loud ba oy. Hugot gani kaayo. Naghuwat ko naa kay isuwat nga bisdak poem hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60023.73
ETH 3191.15
USDT 1.00
SBD 2.45