#24 Filipino Poetry: "Umagang Parating" (PowerUp Poem)steemCreated with Sketch.

"Umagang Parating"

Nagmula tayo sa isang mabilis na nakaraan
at sa isang maliksi na pag-unlad
Nasa sa ating kamay
ang kapalaran ng inang buhay

Pupuksain natin ang katapusan
dahil may puwersa tayong dapat gamitin sa kabutihan

Iligtas ang napaka gandang bayan!

Ang pagbabago ay epekto ng pagbago ng iba
Anh pag-init ng mundo
na kasalanan din natin pala
Wala man lang tayong ginawang sulosyon
at pinagpatuloy kung ano ang direksyon
Sunog dito, sunog doon
Tapon dito, tambak doon.

Sa bawat araw araw nating pamumuhay
di man lang kayang magdasal para
susunod na may buhay
Lunes hanggang Linggo, tuwina na lang ang paalam na parang alam natin ang ating paglalagyan.

Ang mga gusto natin ay dapat makuha
kapalit man nito ay liwanag sa umaga
Di natin alam na papalubog na tayo
sa kaibuturan na pagkawala ng ating silbi sa mundo

Dapat inaalam natin ang tama sa mali
dahil ang kabataan ay puwedeng magdusa sa ating mga kasalanan.
Alamin sa kung ano ang bukas na paparating
para ang susunod sa yapak natin
ay walang pangamba na mamuhay sa lilim.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Galing! resteem na this :)

Ang marahas na pagbabago ng isang bansa ay nagkakaroon ng panibagong pagbabago na maaaring masama ang idudulot nito hindi lamang sa kanyang nasasakupan ngunit sa buong sanlibutan. Maging ang mga kabataang ay hindi ligtas rito. Ngunit nasa atin din ang pagbabago at pag-aayos ng ating bansa. Salamat sa paalala ng tulang ito!

Uu nga kabayan. Hindi tlaga maiwasan na sa kasulokuyan pangyayari ngayun lalo na dito sa pilipinas, talamak na talaga ang pagtatapun sa mga basura eh dito nga sa UCLM kahit mahina lng ang patak ng ulan sa mataas na oras ay magbabaha na dito kabayan. Ang aking ponto rito ay dapat tlaga hindi natin wasakin ang kalikasan. Hindi ko ipagkait na gumagawa rn akng masama sa atng kalikasan pero matapos ko basahin ang tula mo lalo ko pong nahihinuha na dapat na pangalagaan natin ang ating kalikasan. Salamt sa inyung tula. Napaka ganda tlga na pagka likha.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60023.73
ETH 3191.15
USDT 1.00
SBD 2.45