#53 Filipino Poetry: "Luntian"

photo-1491497895121-1334fc14d8c9.jpg

"Luntian"

Simbolo ng kasaganahan
dahil kakulay nito ang kalikasan.
Matingkad na kulay ng luntian
lalong nakikita sa tag-sibol ng mga bulaklak at halaman.

Nagsisilbi itong tagapagbigay ng buhay
sa mga taong luntian ang ikinabubuhay
Mga magsasaka nasisiyahan kapag ito ay nakikita,
dahil ang ibig sabihin nito ay biyaya.

Galing ito sa pinaghalong kulay na dilaw at bughaw
Na litaw sa mundong ibabaw.
Naihahalintulad din ito sa isang dugo,
na may ibig sabihin sa ibang tao

Palay, tubo, mais at saging
iilan lang na halimbawa na luntiang pagkain
Mga punong matatayog at matibay
na nagbibigay kulay sa mga matataas ng bundok at burol

Sana'y pahalagahan ng mga tao ang kulay na ito
dahil ito ay nagbibigay kayamanan sa mundo
Lalo na ang pagkain na kailangan ng tao
at tirahan ng mga hayop na namumuhay ng mapayapa

Luntian, isang kulay na paborito na karamihan
magsilbi sana nilang inspirasyon ang halaga nito
dahil ang ganda ng mundo ay nakasalalay sa mga kulay na nakikita ng tao.
Pahalagahan at alagaan, ang mga bagay na luntian!


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

filipino-poetry pilipinas philippines poetry steemph

Sort:  

Luntian man sa paningin si steemit ay ganun din
Ang logo niya ay nagbago, pati kulay nito
Ako man ay nahuhumaling kahit kinita ay sinkong duling
Sana itoy mapansin at dolyar ay ibigay tumatagingting

Oh mahal kung pilipinas, kay steemit ikaw lumuwas
Matuto kang makihalobilo makipagkaibigan sa kanu
Ibat ibang lahi iyong makasalamuha sa steemit nakabuka
Isaboy ang magandang balita, sa pilipinas kung mutya

Ang bukirin natin masaga't luntian
Hayag sa atin sa dayuhan ipinagyayabang
Pagiging masaya sa gitna ng kalungkutan
Ganyan tayong Pilipino sa bansang hinirang!

Bow

Luntian katulad ng takbo ng utak ko masyadong luntian pero mayabong din ito kagaya ng puno ng kaimito.

hahah di ko mapigilang tumawa.

Ay mabuti naman at napatawa kits

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60035.79
ETH 3187.54
USDT 1.00
SBD 2.45