#12 Filipino Poetry: "Dalaga Part 1" (PowerUp Poem)steemCreated with Sketch.

"Dalaga Part 1"

Nandito na naman tong perpektong lalaki nato.
Oh Diyos ko! Nakakapatay tagala ang kanyang mga ngiti.
Sana para sa akin nalang yang ngiti na yan, nakakatorete talaga.

Parang nakatitig siya sa akin.
Maayos nga itong buhok ko.
Baka nagmumukha akong payaso sa buhok na'to.
Hala, umalis na siya. Di man lang niya nakitang maayos buhok ko.

Break namin, nakita ko siya.
Nakita niya rin ako.
Nagkatitigan kami, pero lumingon ako sa ibang bagay.
Binalik ko yung tingin ko sa kanya, nakatitig pa rin pala siya.
Di ko mapigilang matuwa, nabubuang na yata ako.

Masuwerte ako, may phone number ako sa kanya galing sa mga matatalik kong kaibigan.
Nag text ako at nagsabing "Hi".
Nag-antay ako, pero walang tugon.
Tinitignan ko phone ko bawat segundo.

Wala paring tugon.
Nakakahiya, nagmukha tuloy akong tanga.
Sana di ko nalang siya tinexan ng una.
Iniisip niya siguro na nag-iilusyon lang ako.
Oh baka, di pa niya nabasa mensahe ko.

Baka naglalaro yun, o nag-iinternet.
Baka nagbabasketball o gumagawa ng araling pambahay. Hindi rin, stupida talaga ako.

Pero parati ko pa rin siyang nakikitang nakatitig sa akin.
Hindi ako nag-iimagine, talaganag matamis na katotohanan ito.
At sa bawat titig niya, di ako tumitingin ng matagal.
Panakaw lang. Di ko matiis at di ko matagalan ang titigan ang kanyang magagandang mga mata.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

Sort:  

"Inlababo" hehe . . ligawan na yan.

Haha. 😀😀

Ayeeeeee hehe. Daghan jud karelate ani for sure. 😄

Karelate ayy. hahah

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60035.79
ETH 3187.54
USDT 1.00
SBD 2.45