#112 Filipino Poetry: "Gising"

photo-1505471768190-275e2ad7b3f9.jpeg

"Gising"


Isuot ang magarang ngiti sa pag-gising sa umaga
Basagin ang iyong antok at sumigaw
At magkaroon ng positibong pananaw

Ang pagtanong ay wag katakutan
Wag nagreklamo at itaguyod ang nasimulan
Dahil hindi naghihintay sa taong tamad ang orasan

Ang madaling bagay ay gawin at sabihin mong ito ay kakayanin
Bumuo ng pagsasama sa iba at sila ay kausapin
Sa munting ligaya sana ay may makuha ka
Libangin ang sarili upang maging masaya

Wag mataranta at maging kalmado
ang magandang trabaho ay nandiyan lang,
Wag piliin at wag lubayan
Pumasok sa trabaho na malinis ang kakayahan
Wag mag tunganga sa tabi, gawin ang ipinapagawa

Mag ehersisyo at kumain ng sakto at magplano
Ihiwalay ang nakalalasong isipan sa malinis mong katawan
Gawing inspirasyon ang sarili at titignan ka ng may giting sa mga mata

Anak ay alalahanin at mag imbak ng pagkain
Mga pangarap nila ay binubuo
Gawin ang tama at wasto
Iwasan ang away at tiyak buhay ng pamilya ay magiging masaya.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

nastuck ako sa kama, ang hirap gumising at bumangon! hahaha char. musta? 😁

Ito, gwapo parin. matagal tagal natong problemang 'to. hahaha ✌️✌️

hahaha gusto mo nbang maresolve yan, may alam akong way 🤣

daghana na nyag poem uy..mau na kau icompile into a mini book...

Haha muabot guru ko ana maam. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65634.72
ETH 3493.40
USDT 1.00
SBD 2.51