#10 Filipino Poetry: "Binata Part 2" (PowerUp Poem)steemCreated with Sketch.

"Binata Part 2"

Kinakabahan ako. Sinubukan kong itago ang nyerbos na nadarama ko. Hindi ko kaya, kaya kumanta nalang ako. Nakakahiya pero kumanta talaga ako. Mabuti nalang di ako nagmukhang tanga at kinakabahan.

Nagpatuloy lang kaming lumakad hanggang isang dangkal nalang ang pagitan.

Nalagpasan na namin ang isa't isa. Yung braso ko nagdaplis sa kanya. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.

Hindi ako lumingon pabalik kahit gustong gusto ko. Ayaw kong malaman na baka talagang wala lang sa kanya ang presensya ko. O sa makatuwid, nananaginip lang ako.

Paano kaya niy magugustuhan ang isang katulad ko na walang kwenta. Yung ang pagiging siya ay sapat para magkagusto ako sa kanya. Hindi siya kagaya ng ibang babae na puro make-up nalang ang nasa mukha.

Yung kagandahan niya ay nakakabighani.

Minsan para siyang lalaki kung umasta pero ang cute parin. Maganda talaga siya at sa tingin ko hindi niya alam yon. Yung haba ng buhok niya ay perpektong nakabagsak sa kanyang mga braso.

Ang kanyang mala almond na mga mata ay tugma sa kanyang mahabang mga pilik mata. Yung mga labi niya na mala rosas ang kulay ay dumadagdag sa kanyang awra.

At ako? Simpleng tipikal na binata lang n may mabuhol na buhok. Gusto ko talaga siya, wala ng iba.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 62579.42
ETH 3010.71
USDT 1.00
SBD 3.42