#109 Filipino Poetry: "Ulap"

in #filipino-poetry7 years ago (edited)

photo-1504257365157-1496a50d48f2.jpeg

Ulap"

Nakatingin sa alapa-ap
wari may minamasdang pangarap
At ang isipa'y wala sa mismong lugar
sa halip nasa mundong malayo ang tanaw.

Ulap na nasa itaas,
yan ang lagi kong pangarap
Na sana'y aking mahawakan,
maidala, maibigay sa kung sino man.

Mga hugis na nakikita sa mata
Malilikut na utak hinuhulma ang kawangis na mukha
Sa mga ulap mo makikita,
na ang mga bagay ay puwede mong makasama.

Maitim, maputi at matingkad,
Yan mga ulap na nasa itaas
Hinahagkan ng kabundukan
dahil abot kamay lang naman.

May ulan ding dala silang mataas sa madla
Nagbibigay sustansya sa mga halaman sa ibaba
Kung wala sila, may ulan pa ba kaya?

Maiba naman tayo tungkol sa ulap
Sila ang mga bagay na,
umuusbong gaya ng pangarap
Ngunit naglalaho din
kung bibigat na ang damdamin.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

nakakatuwa na ang dami palang mga pinoy dto sa steemit. bagong member lang po ako. keep steeming mga kapwa ko pinoy! :)

Welcome po!!! :)

Amazing ....Love it .Thanks for sharing with us :)

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 58167.06
ETH 2592.42
USDT 1.00
SBD 2.44