#67 Filipino Poetry: "Sugat"

photo-1491396122992-23bcbe680fe6.jpg

"Sugat"

Pag-usbong ng giyera at putukan ay parang kailan lang
Kapwa Pilipino ang siyang naglalaban-laban
Para sa ideolohiyang hindi batid kung ano'ng pinagmulan
Kaisipang nagdulot ng pasakit sa inosenteng mamamayan

Hindi maintindihan ang ugat ng ipinaglalaban
Tapyasin ang kapwa ay bakit pa kinakailangan
Gusali't imprastaktura ay hindi mo lang giniba
Pati narin ang kapayapaan ng iyong kapwa

Sa pagkakaisa ng Sandatahang lakas ng Pilipinas,
Hukbo mo ay unti-unting nawalan ng tapang at dahas
Sa pagpapanumbalik ng minimithing kasarinlan,
Kapalit nito'y mga buhay na unti-unting nalalagas dulot ng digmaan

Paghihimagsik mo'y pilit nilalabanan
Paglaganap ng kasakiman ay hinahadlangan
Hanggang paghahamok ay dahan-dahang naibsan
Mga bayaning nasawi ay sumabay sa iyong paglisan

Ngayong kapayapaan ay nakamtan
Paglatay ng dugo sa dakong tinubuan ay napigilan
Mga pangamba ay unti-unting humupa
Bumalik ang dating lugar na mapayapa

Sugat sa katawan ay unti-unting napapawi
Subalit peklat sa puso'y kailanmang mananatili
Naninirahang alaala ay palagiang nakatatak
Hindi maiibsan ng kahit anong ginto't pilak


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Congratulations @themanualbot! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You published a post every day of the week

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

di ko alam bakit ang aking mga mata'y lumuluha
para bang akong nagbabalat ng mga sibuyas
tagos sa puso ang mga salita sa iyong tula

isa ka talagang tunay na makata maam @junebride

hahahaha paatik ra

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63816.85
ETH 3134.82
USDT 1.00
SBD 3.86