#28 Filipino Poetry: "Mainit na Gabi" (PowerUp Poem)steemCreated with Sketch.

"Mainit na Gabi"

Sa isang mainit na gabi,
batid kong ako'y nagugutom,
umiikot at kumikirot ang aking tiyan
May apoy na sinindihan,
ramdam ko ang init na nakaharap sa aking mukha,
at ang usok ay nagpapaluha sa aking mga mata
Ang malawak na bakod ang
nagsisilbing panangga habang ako'y natingala
Ang mainit na tsokolate,
nagpapainit sa aking mga kamay
habang iniinom ito.

Sa isang mainit na gabi,
batid ko ang mainit na tsokolate na
dumadaloy sa aking lalamunan
Habang tinitignan ko ang aking hininga
na sa malamig na hangin ko ibinuga
Oh kay sarap! Ang gabing may siga
na sa iyong harapan ay nakahiga.

Sa isang mainit na gabi,
tanaw ko ay magagandang ilaw na sa
ilalim ng aking mga paa
Ang mga bata sa paligid ko
ay sobrang saya habang nakaabang
sa mga paputok na puputok sa kalangitan
Ginto, berde, dilaw at kung ano pang kulay
ang makikita mo, nagpapaliwanag sa mundo

Sa isang mainit na gabi,
malamlam na nararanasan at kasiyahan
sa panloob ang nakuha
Lahat ng mukha ay masaya,
alam kong pareho kaming lahat,
sa isip ay inaalala.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

wonderful post and narrative. Thank you for sharing!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60023.73
ETH 3191.15
USDT 1.00
SBD 2.45