#41 Filipino Poetry: "Oras na" Literaturang Filipino - Non-entry

photo-1499377193864-82682aefed04.jpg

"Oras na"

Oras na para ibalik ang bansa bago mahuli ang lahat
Kunin ulit ang kasarinlan
na pinaglaban ng ating mga bayani noon
Ibalik ang diwa ng bayanihan
at ang tatag at lakas ng bayan
Na ang Pilipinas ay maging
tahanan ng mga kababayan

Kunin ulit ang totoong gobyerno
bago mahuli ang lahat,
bago maging kaaway ang politikong kurap
na wala ng ginawa kundi ang magnakaw ng kaban sa bayan
May mga magagandang batas, rugulasyon at reporma
na atin ay gagabay at pumuprotekta
Kunin iyon lahat, para sa bansang Pilipinas
bago ang monopolyo sa merkado ay gawing mahirap ang mas naghihirap
bago maging ganid ang mga negosyanteng ganid sa pera at kapangyarihan
bago maging kaawa awa ang mga Pilipinong nahihirapan sa sarili nilang bayan

Kunin ulit ang mga paaralan
kung saan nag-aaral ang mga pag-asa ng bayan
Mga bata, mga lider sa hinaharap
na nililinang ng kabutihan at kaalaman araw-araw
Kunin itong lahat bago mahuli,
bago mapakain ng kasamaan at kasinungalingan
bago maging alipin sa sarili nilang bayan
bago maging pudpud sa ideya ngunit di tinutulungan ng iba para mapaganda ang buhay nila.

Kunin ulit ang Konstitusyon
bago mahuli ang lahat
Turuan sila ng batas,
departamento, opisina, at buwis sa nakaraan at kasalukuyan
bago mabago ng masamang grupo na walang ibang hangad kundi umasenso ang kanilang pagkatao.

Buhayin ang bayanihan at kumunidad
Bago mahuli ang lahat, gawin ang lahat para maibuklod at mapagsamasama ang mga tao at batas.

Bago mahuli ang lahat,
Oras na para kunin ang ating bansa.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Oras na!
May oras pa ba?
Kailangan ba talaga ng oras?
Para saan pa ba ang oras natin!

Oras ng bayan?
Di ba tayo ang bayan?
Hindi ba ginamit natin ang ating oras?
Saan na ba tayo sa oras ngayon!

Aba teka, anung klasing orasan ba ang dapat gamitin?
Lahat ng tao ay may kanya kanyang orasan!
Iniisip ko ang oras ng bayan,
Pero may oras ba ako sa sarili ko?

Yun na nga pala, wala akong orasan!

Bow!

Mas magaling yung tula mo!
😹✌

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60023.73
ETH 3191.15
USDT 1.00
SBD 2.45