#99 Filipino Poetry: "Natuto na"

photo-1493836512294-502baa1986e2.jpeg

"Natuto na"

Sa batang isip at murang edad
Marami nang hinahangad
Ang mag-aral at umahon,
Magmahal at bumangon.

Kaalman ma'y hindi pa sapat
Sa pangarap ko ay tapat
Patuloy na nagsusumikap
Handang suungin ang hirap.

Kabilang na din ang nagmahal
Sabay sa agos ng kabataan
Ngunit pighati ang naranasan
Ako lang pala'y pinaglaruan.

Ngayon ay may natutunan
Bawat bagay ay may kalagayan
Sa tamang panahon at sitwasyon
Umaasang darating iyon.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Ngayon ay may natutunan
Bawat bagay ay may kalagayan
Sa tamang panahon at sitwasyon
Umaasang darating iyon.

What a lovely line. Eventually time will come when we will have the wisdom and understanding on certain things in life. Just always trust and believe in Lord, He is the source, and everything comes from Him.

Proverbs 2:6 "For Jehovah gives wisdom; From His mouth come knowledge and understanding;"

tunay na nakikita ko
ika'y umiibig ng buo
kung sino man ang swerteng babaeng 'to
nawa'y matutong umibig din sayo...

charot!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.26
JST 0.041
BTC 97708.75
ETH 3613.59
USDT 1.00
SBD 3.30