#119 Filipino Poetry: "Pakikibaka"

"Pakikibaka"


Ang buhay ay parang gulong
Minsan kapalara'y urong-sulong
Di nahihinuha kung ano ang bukas
At paano ang ngayo'y magwawakas

Pero diyan nagiging buhay ay makulay
Dahil minsan ay wala na tayong malay
Kung ano ang kahihinatnan ng ating desisyon
Na humuhugot mula sa ating kahapon

Ngunit bakit ba natin pinipilit?
Mabuhay kahit minsan tayo ay gipit,
At kadalasan tayo ay naaipit
Sa sitwasyong tayo din ay may kanya-kanyang sinasapit

Pero diyan tayo nasusubok
Kung paano natin makakamit ang rurok
Rurok sa oras ng ating buhay
At magkaroon ng ibayong tagumpay

Kaya naman huwag mong bitawan
At magpatuloy sa iyong pakikipagsapalaran
Dahil diyan tayo nagiging malakas
Kaya pakikibaka'y dapat walang wakas


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

This is so true... We need not to run when something come on our way sir because it will help mold who we will be in the future

Nice poetry..really i like it

why didn't you hit the like button than? Oh yeah because you don't respect women. you pig.

sagyang kay ganda ng iyong obra sir..pano ba maging member dyan sa inyo..sanay bigyan mo po ako ng pansin..maraming salamat po kapatid

pag nailunsad na ang smt, isa ka sa susuportahan ng ideya para sa mga Pilipino. Keep it up!

Nice poetry

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.21
JST 0.035
BTC 98789.27
ETH 3346.59
USDT 1.00
SBD 3.08