#57 Filipino Poetry: "Rosas"

photo-1504795310963-57fde45ba071.jpg

"Rosas"

Anong ganda naman ng rosas na ito
Maaamoy mo ang lahat ng tamis
Tiyak na langit ang ang hatid
Kahit na ito ay tinik na paligid

Nagbibigay halimuyak sa lugar ni Adan at ni Eba
Mga kulay nito'y pasok sa bahagharing kulay
Ngunit sa loob nito'y hindi katingkaran ang kulay
Na nagbibigay imperpektong bahagi sa kanyang buhay

Ang rosas na ito ay may kamandag na taglay
Gaya ng isang "Venus flytrap" na bubukad ng tunay
Pupunitin ka at hihigupin ang iyong lakas
at kakainin ka ng unti unti hanggang ikaw ay lumagas

Ang rosas na bulaklak ay may magandang dahon
Na parang medalyang makukuha sa pagkakataon
Ngunit sa ibaba nito ay may mga karayum,
Na tutusok sa'yo at ikaw ay paiiyakin

Sa oras ng tagsibol na darating
Makikita mo ang ganda niya na parang si Maria Clara
Ngunit kung ang tag-init naman ang papalit,
Mala anghel nitong kulay ay maglalalong parang bula

Minsan may nagtanong sa akin,
Anong klaseng bulaklak ito?
Wari ko at sanay iyong pakinggan,
Ito ay rosas na may ganda at lasong hindi mo makakaya.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 62596.14
ETH 3021.48
USDT 1.00
SBD 3.65