#128 Filipino Poetry: "Kakaibang Kaibigan"

omar-lopez-355586.jpg

Kakaibang Kaibigan


Nung una nating pagkikita
Tila ba ika’y nahihiya
Nakikiramdam sa mga tao
‘Pagkat ikaw rin ay isang dayo

Hindi nagtagal nalaman ko
Isa ka palang taong bibo
Pansin ko ang labis mong galak
Na tila ba ay hindi ka marunong umiyak

Sa tuwing kasama ang mga kaibigan
Kwento mo’y pinapakinggan
Hindi man lahat ay matutuwa sa’yo
Ang importante ikaw ay nagpakatotoo

Kaibigan kakaiba ka sa lahat
Lubos ang aking pasasalamat
Sa ipinadamang katapatan
At sa nabuong tunay na pagsasamahan

Asahang ako’y laging nakaalalay
Lalo na ‘pag ang puso mo’y matamlay
Sisikaping ika’y pasasayahin
Gaya ng ginagawa mo sa’kin

Hindi ka man nila maintindihan minsan
Huwag mag alala kaibigan
Nakakaaliw o nakakainis man yan
Kadamay mo’ko magpakailanman


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Napaka lalim. Napakagandang tula!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.16
JST 0.032
BTC 63891.49
ETH 2753.67
USDT 1.00
SBD 2.66