#110 Filipino Poetry: "Dahon"
"Dahon"
Kapaligirang puno ng kayamanang hindi matatawaran.
Yan ang patunay na ang mundo ay buhay na buhay
Kaya wag sayangin at patayin ang dahong namumuhay.
Iba't ibang hugis at kulay iyong makikita
Bawat isa ay mahalagang dala
Kapag iyong aanihin, ay makakain
Kapag iyong pipitasin, ay gagamitin
Minsan walang puwedeng paglagyan
Kaya winawalis na lang sa umaga
Wag kayong mabahala sa kung bakit ba
Dahil kahit bulok ay puwedeng maging pataba
Dahon na kabago bago ang histsura
Mga linya nitoy kitang kita sa mga mata
Ang tingkad ng kulay ay hindi maikakaila
Kaya ito ay may buhay na dala
Dahong malaya kung sa tuwina'y tawagin
Nalalaglag sa pagaspas ng hangin
Hagupit ng hangin ay kaya niyang tiisin
Wag lang siyang mahiwalay sa inang kapiling.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash
Gustung-gusto ko ang malinis at luntiang kapaligiran