#15 Filipino Poetry: "Isang Pulubi" (PowerUp Poem)steemCreated with Sketch.

"Isang Pulubi"

Lagi siyang nakaupo sa banketa
Damit niyang punit-punit at wala man lang tsinelas
Isang nakakaawang nilalang sana namay matulungan
Mahabaging Ama, pagpalain mo sana siya!

Panay sa pag-abot ng kanyang sumbrero at lata sa iba
Lahat ng taong napapadaan, humihinto at tumitingin lang
May-iba na nagbibigay ng pera
Kahit kakarampot lang ay puwede na.

May iilan nagbibigay ng malaki
Laking ngiti ni kuya sa kanyang nakuha
Tumingala siya sa taas at parang may binubulong
Di ko man narinig, alam kong nagpapasalamt siya sa Panginoon

Malupit na panahon ay kanyang tinitiis
Ang kanyang buhay ay labis na naghihinagpis
Kontento na sa kung ano ang maaani
Mabuhay lang ng isang araw na may saya sa mukha

Bakit may mga taong nakakaranas ng kalupitan sa buhay?
Kinakaya nila kahit kasingbaba na sila sa lupa.
Munting pulubi pinagkaitan ka ng ilaw
Ngunit hindi ka sumusuko dahil habang may buhay may pag-asa!


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Didn't understand a word but I'm glad to see some poetry on Steemit. And supporting native language also. Great job :)

naway gawing inspirasyon sila na kahit sa hirap ng buhay ay hindi pa rin sumusuko

Nakakaawa naman.. Pero tama, habang buhay may pag-asa.

Ang daming makata dito at isa ka na don. Haha magaling magaling. 👏🏻

Haha salamat naman!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60023.73
ETH 3191.15
USDT 1.00
SBD 2.45