#126 Filipino Poetry: "Ikaw ang Tadhana"
Ikaw ang Tadhana
Sa una nating pagkikita
Para bang nakatadhana
Mga titig ng mga matang namangha
Sa nakitang kakaibang hiwaga
Hindi ko inasahan
Ang nabuong pagsasamahan
Hanggang sa naging nakasanayan
Ang makita kang naliligayahan
Iniisip ko ang mga masasayang sandali
Na sa iyong mga ngiti unti unting nabighani
Sa mga panahong nagdaan
Ikaw pa rin ang sa puso ay laman
Ikaw lang ang nagpapasarap
Sa mga nabuong pangarap
Sana ikaw na nga ang binigay ni bathala
Na sa akin ay panghabang buhay na itinadhana
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash
Nice poem roger! Kinsa kaha ni iyang tadhana ai!? hehe..