#5 Filipino Poetry: "Nagsusumamo" (PowerUp Poem)steemCreated with Sketch.

"Nagsusumamo"

Akala ko nung una ay
kaibigan lang ang pagtingin
Di naglaon naging
pag-ibig na ang gustong
maipakita.
Hindi ko inaakala
na titibok ng bigla ang puso
Ngayo'y nagsusumamo
ang damdamin na
sanay iyong mapansin.

Alam kong hindi dapat
na mahulog ang loob ko sa'yo
At ang sakit dahil
ito ay totoo
Paano ko ba matatanggal ito
Kung ang laging nakikita ko
ay ngiti mo.

Tawagin mo na akong tanga
o anumang nakakasama
Wag naman ako'y iwasan
at pagbawalan na
ikay'y alagaan
Nagsusumamo itong puso ko
na iyo'y pakinggan
Nagdarasal ng taimtim
para ako'y iyong
ibigin.

Oh magiliw kong kaibigan,
kaibigang iniibig ng
mahigit pa ninuman
Darating kaya ang oras
na sa atin nakalaan?
Oh hanggang ganito na lang,
nagsusumamo ang aking kalooban!


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

"best of time"

Previous Filipino Poetry

Sort:  

Good job kabayan!!!! Upvoted! :-)

Maraming salamat. Halika at sumali sa Filipino Community https://discord.gg/9CgAwy makakahalobilo mo yung ibang Filipino Steemians! 😎😎

nice galing! :)

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60023.73
ETH 3191.15
USDT 1.00
SBD 2.45