#124 Filipino Poetry: "Salamat Steemit"

Salamat Steemit

Steemit, ohh steemit
Papano kita mapapasalamatan
Ikaw ang tanging nagpabago ng buhay para sa akin
Ikaw ang aking bagong simula
Ikaw ang nagpagana sa natutulog kong utak
Ikaw ang nagbigay ng bagong kahulugan sa buhay kong walang katuturan

Dati buhay ko'y maalat
Puso ko'y sawi, bulsa ko'y butas
Utang dito, utang doon
kakain nalang ng kanin at asin
Para mawakasan ang dumadagundong' sikmura

Ngayo'y nandito ka na
Suki na sa KFC
Di' na maalat ang buhay, kundi "So Good" na
Nagtatago para makaiwas sa mga mangungutang

Steemit, ohh Steemit
Sana'y magtagal at kumalat ka pa
Upang mapuksa ang kahirapan
Iwasan na ang awayan at batohan ng 'bandila'
Tayong lahat ay dapat magkaisa
Upang tayo'y sama-samang uunlad


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

*Mag-aral

*Pag-ibig na wala

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Thank you for sharing @themanualbot! Dahil na-inspired ako sa gawa mo. Papasalamat din ako sa steemit.

Maraming salamat Steemit
Dahil pangarap ko'y unti unti ng nakakamit
Buhay na dating malungkot
Ngayon ay saya at ngiti nanunumbalik

Salamat sa kulay na iyong binigay
Bawat Pilipino sayo ay pumupugay
Hindi matumbasan ang bawat wagayway
Sa tuwing merong buhay na nagtatagumpay.

Bawat isa sayo ay nagpapasalamat
Dahil sa dulot mong mga oportunidad
Lahat kami dito'y may pag-asang umunlad
Sipagan lang sa paglikha at pagsulat

Salamat!

Salamat sa Steemit kasi naging magaan ang buhay :) Kaya nakarelate ako sa tula mo @themanualbot . Pagbutihin at panatilihin mo pa ang pagbabahagi ng iyong talento . hahaha

Tunay na pasasalamat Steemit! And sayo din @themanualbot. Nawa'y marami kapang matulungang tulad namin na baguhan palang dito. salamat!

Galing ng humor mo, nakakatuwa.. Sana dito na rin yung bagong simula ko.. 😄

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65641.09
ETH 3479.54
USDT 1.00
SBD 2.50