"Bugso ng Damdamin" : A Filipino Poetry
"Bugso ng Damdamin"
Tinatagong damdamin na kay tagal
Bawat sandali iniisip ka
Ikaw ang hanap sa tuwina
Nararapat na ika'y habangbuhay
Kaya ayaw na kitang mawalay
Ikaw ang palaging panaginip
At nagpapawala sa inip
Sana ay malaman mo
Buong tapat na ngmamahal sa'yo
Sa oras ng kalungkotan nandito ako
Magpapahid sa mga luha mo
Papalitan ng saya ang mga luha
Sa iyo ay hindi magsasawa
Ang puso't isip ko'y alay sa'yo
Sana batid mo ang mga 'to
Nang dumating ka buhay nagbago
Naglaganap ng sigla sa'king mundo
Nahanap na ng puso ko
Taong nagmamahal ng totoo
Sa'yo ko lang ito naramdaman
Tanging hiling wagas na pagmamahalan
Hindi ko na to palalampasin
Kung tagumpay man ang nanamnamin
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
nice post my steemit friend
good heart-touching poetry sir i love it thanks for sharing this nice one
well its really nice poetry and wonderful stuff, your written blogs is inspiration to steemian,
Wow , iba na talaga mga hugot ma ngayun sa poetry ahh, parang meron kana talagang minamahal ngayun :P
Nice jod oy 😊