"Nakakapagtaka" : A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago (edited)

"Nakakapagtaka"


"Nakakapagtataka", bat bigla kang nag-iba
Ihip ng hangin, nagbago na nga ba?.
Kanina palang tayo'y ang saya-saya
Ba't ngayon puro ka nalang dedma?.

May mali ba? Sabihin mo naman sana
Kung meron man, ipagbibigay alam mo ba?.
Kasi ako'y nag-aalala kung anong nangyayari
May pangyayari ba na di ko mawari?.


Kung ganon man sana sabihin mo sakin
Nang malaman ko at ito'y aking iisipin.
Kung saan ba banda ako may ginawa
Kasi di ako mapakali kung may problema ba.


Sa kailaliman ng puso, wala akong naisip na nagawa
Nakapagsakit ba ako sayo o kaya ika'y naabala.
Kanina lang puro naman tayo tawanan
Pero ngayon nagkaroon ba ng girian?.


Patawad kung meron mang nagawang mali
Iniisip ko talaga kung ano at ako'y nagsisisi.
"Nakakapagtaka" lang talaga sa totoo lang
Di ka kumikibo, nagrereply o sumagot man lang.


Uulitin ko, patawad sa nagawang pagkakamali
Kahit hindi ko alam kung ano ang nangyari.
Di ako makatulog sa kaiisip ko sa iyo
Joke lang yan, para may maiblog lang ako :).


Babala

Lahat ng mga katagang yan ay kathang isip lamang at hindi kailan man nangyari saking buhay. Mas magiging magkomento nalang sa tula at wag-iayon sa akin ang konteksto

Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)

Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakayahan.

Nagtataka (Katuwaan lang)

Jassenn

*Photocredits : 1 2

Sort:  

Haha akala ko iiyak ka na, katuwaan lang pala. Isang tula sa araw ng ating pambansang bayani. Salamat dito at ginising mo ang pagkaPilipino ko 😃

ayeee kasweet nagud ninyo hahahaha

haha sweet d.i na sheila? hahaha

Galing!kung hindi ka nagbigay ng babala sir iisipin ko nalang " May pinanghuhugatn ang batang to" hehe

Ayos ngayon lang uli ako nakabasa ng tulang Tagalog. At natawa ko sa huli haha :)

100% effective apology for all known types of relationship conflict. Just remove the last line
Astig poem, I can hear the words and see the story. Really not from real life ba? Hehe.

good job bro

Great poem bro, you echo the emotions I have inside right now. We spent two months of close relationship and I couldn't hold myself from falling in love with her. Then a day came when she just changed for a reason I'm yet to find out.

That feeling when she stole my heart, and then ran away with no hope of coming back. . . Thank you for this poem. I'm not alone.

OUCH! Shall I officially join the club as well? @jassennessaj, why do you always do this to me? hahaha makahilak mn pd kog formulas ani uy haha. sir @caratzky, I'm sorry for that. Ma okay ra nya ka sir uy. Basta free buffet ha haha

@nikkabomb You are destroying the moment! HAHAHA

ayy sorry sir @caratzky. sige consider my second reply:

Minsan na rin akong nagmahal, naiwan sa ere at tinraydor ng bff ko. ramdam ko ang bawat pighati sa bawat linya ng iyong tula @jassennessaj. sir @caratzky, alam ko kung ano ang iyong nararamdaman. Pero darating ang panahon na ang lahat ng sugat ay hihilom.

bugal bugalnka sir ha, @caratzky hahaha

Babala, kathang isip lamang ang mga pangyayaring iyan 😂😂😂

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66772.03
ETH 3237.54
USDT 1.00
SBD 4.25