"Ineng, saan napunta ang iyong dangal" : Poetry about Selling Love to another Man

in #poetry7 years ago

Si Maria sa aming nayon ay ubod ng ganda,
Kalalakiha'y napapatingin sa kanya.
Mukha'y mala-anghel kung tingnan,
Hubog ng katawa'y ang sarap pagmasdan.


Kapag dumadaan mga lalaki'y napapatili,
Sa kagandahan ba? O sa kangyang gawi?
Umaga't gabi palagi siyang pinaparinggan,
Sa mga gawa nya siya's pinagtsitsismisan.


Mahimbing ang kanyang tulog sa kaumagahan,
Gising na gising ang katawan sa kagabihan.
Hindi siya kolsenter pero bakit tuwing gabi?
Anong trabaho ito at bakit siya's nawiwili?

777.jpg


Ang puhunan niya ay ang kanyang katawan,
Mabentang-mabenta ang kanyang kalamnan.
Katawan at mukha'y punong-puno ng kolorete,
Sa gabi'y gustong-gusto siyang malabas ni pepe.


Kahit hindi bagsak presyo, bentang-benta ang laman,
Dahil sa angking ganda, at hugis ng katawan.
Pinipilahan at pinag-aagawan ng mga kalalakihan,
Layong masipi kahit presyo's may kamahalan.


Maria, Ineng saan napunta ang iyong dangal?
Tuwing linggo, ikaw ba ay nagdadasal?
Bakit ka napunta sa bagay na ganito?
Mga pangarap mo'y ito lamang ba ang gusto?


Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)

Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakahan.

Muli, maramng salamat po!



Photocredits : One Two

Sort:  

Could it be because that it's very easy to earn money this way. Doesn't require any scholastical achievements. But digging deep, this people are just also victims, victims of what the rulers had done to the nations.

It could be victims, or the most practical way to do with people having low academic achievements. Things are in their control, into which they can choose to go out of that cage and do things in a moral way.

Can't believe you hop in, thanks for the warm insights @juvyjabian!

Yes, its a matter of self control and morality but there are still factors that affect this actions, factors which can be found around the community.

I completely understand. Indeed its true.

Hindi natin alam kung anong pinagdaanan ng mga magigiting na babaeng mas pinili ang may mapakain sa pamilya kaysa sa kanilang dangal.

Ang ganda ng pagkakagawa ng tula. 👍Kadalasan naman sa ganyang sitwasyon ang madalas na dahilan ay pamilya.

Oo nga. Maraming salamat @taica :)

This Language I Did Not Know But Post Is Awesome.

Hello, I remember you @jassennessaj !
You donated to our common noble cause for the first time exactly 2 days ago. Have a great and prosperous day along with my up-vote! You fed me with 10 STEEM already but you can always make me stronger, if you want to. It will enable me to help you and your friends more often.

Yours, Spinny

I like very much when everyone who feeds me also reads my friend’s posts, so please visit @ethandsmith and read what he has to say! Your name will also appear here. :-) Join my Discord server if you want to meet others: https://discord.gg/Mz2EZP3

Powered by @adsactly.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 64149.44
ETH 3145.56
USDT 1.00
SBD 2.53