"Hanggang Sa Tingin Nalang* : A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago (edited)

"Hanggang Sa Tingin Nalang"

images.png


Dati pa kitang mahal nung hayskul pa
Umaga't gabi palaging nasa isip kita.
Ika'y naging sustansya saking nga mata
Naging dahilan bakit dabest ako sa matematika.

Araw-araw ika'y nagsilbing inspirasyon
Umaga magpahanggang sa dapit-hapon.
Punong-puno ng enerhiya at pananabik
Sa pag-aaral dahil sa iyo ay nasasabik.


Nasasabik na makita ka sa paaralan
Kabog ng dibdib ay madamdam naman.
Mga mata mong mapupungay
Pag nakita ko ito'y nakakamatay.


Pero parang "Hanggang sa Tingin Nalang"
Sa tulad mong espesyal na nilalang.
Sa campus ikaw ay pinagkakaguluhan
Dahil iba ang iyong taglay na kagandahan.


Pero hindi ako nahulog dahil diyan
Kundi sa iyong taglay na kabutihan.
Buhok mo pa'y walang makakapantay
Ako'y namamangha ng walang humpay.

unnamed.jpg


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Sasusunod Uli. Maraming Salamat!

Jassenn

Photocredit : 1 2

Sort:  

What a nice poetry. It has nice idea.good post. I love. Thanks

nice post. i like your Hanggang Sa Tingin Nalang* : A Filipino Poetry post. thanks for share the post.

nice love story post my steemit friend

.... and an eternity without you is not worth travelling 😍😍

Isa kang makata jass haha followback nya xD

Hahahahah lamat mel! Follow tikaaa

hanggang sa tingin na lang dahil torpe ka

igua nako ana kim haha

Ika'y amaw. Whaahahaha

Kung iyo'y mararapatin ang paghanga sa iyo ay aking ipaparating naway mas biyayaan ka pa ng walang hanggang kasaganaan upang ang kaalaman ay makilala sa mundo ng steemit ikay nag-iisa.Salamat at ikaw ay nakilala@jassennessaj!

Ako'y lubos na nagagalak sa iyong komento kabayan 😊

to whom u really dedicate ur poem sir jas? U seems so inspired...

Napaka makata mo naman sir @jassennessaj . Great to read Filipino poetry, ang ganda lang talaga. I hope I would be able to write a poetry as beautiful as yours sir

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 64814.42
ETH 3450.94
USDT 1.00
SBD 2.52