"Iingatan Ka" : A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

"Iingatan Ka"


Ramdam kong mahirap ang iyong pinagdadaanan
Puso mo'y nagdurugo at labis na nasaktan.
Dahil sa taong iniwan ka ng luhaan
Hindi na nagpakita sa iyo ng tuluyan.

Saksi ako sa pagmamahal na binuhos mo
Sa taong umiwan at nagpasakit sa iyo.
Ramdam ko ang iyong mga pighati
Sa mga salitang kanyang mga sinabi.


"Hindi ako karapat-dapat sa iyo
Linyang sa kanya ay nadinig mo.
May mas karapat-dapat para sa iyo
Na magmamahal sayo ng buong-buo


Linya yun nga mga taong gustong mang-iwan
Kaya nga ang dali lang nya yon binitawan.
Dahil kung totoo talaga ang pagmamahal nya
Hindi dapat ito nagbago maging sa dulo pa.


Ngunit hindi ka dapat na mag-alala
Nandito ako para "Ingatan Ka".
Palaging andiyan para sayo dati pa
Saksi sa saya at lungkot na iyong nadarama.


Ituturing ka na parang prinsesa
Sa hardin na ikaw lang ang reyna
Mahal kita, at ika'y mamahalin pa
Hindi kita iiwan at "Iingatan ka"


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Sasusunod Uli. Maraming Salamat!

Jassenn

Photocredit : 1 2

Sort:  

Amazing post thanks for the post...

Kahit akoy pansamantala lang ,andito ako para sumaya ka lng . .maganda po :) Upvoted !

Napatuloy ko tuloy yung tula :)

Haha hindi po yan pansamantala. Panghabang buhay na yan! Haha

hahaha yun . .di tayo papayag pansamantala lang :)

Ang ganda ! 💓

"Hindi ako karapat-dapat sa iyo "

Ito yung sabi niya </3 .

bat mo pinaalala T_T hahaha Malapit na araw ng mga patay

Lodi 😅. Titigil na sana ako gumawa ng tula pero namomotivate talaga ako pag nakita ang mga likha ng isang makata. 👏👏👏

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 64814.42
ETH 3450.94
USDT 1.00
SBD 2.52