"Bigyan Mo Sana ng Pansin" : A Filipino Poetry
"Bigyan Mo Sana ng Pansin?"
Kailan magiging makatao ang mundo
Hihintayin ba o bibitaw na sa pangako
Manhid na sing tigas ng bato
Dikta ng puso, susundin pa ba ?
Magpakatotoo ba o magpapakatanga
Tibogk ng damdamin, nag-iba na
Wala na wala talagang ng natira
Ang tulad ko ba'y hindi kaibig-ibig ?
Suklian naman ang aking pag-ibig
Tunay at dalisay naman ang pag-ibig ko
Oh Panginoon, dinggin ang hiling ko
Pagod na sa kakahabol
Parang aso , tahol ng tahol
Konti na lang at ang ulo'y ipupukol
Sa kaiisip, ako'y parang nauulol
Sinta, "Bigyan Mo Sana ng Pansin"
Ako na may matagal ng pagtingin
Maghihintay na iyong mamahalin
Andito lang ako, handang kang ibigin
Mapagod man sa kahihintay
O kaya sa sakit pinapatay
Titiisin ang sakit dahil ako'y tunay
Na nagmamahal sayo na walang kapantay
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.