"Mga Nakaw na Sandali" : A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago

"Mga Nakaw na Sandali"


Kaysarap pagmasdan ng iyong ngiti
Lalo na kapag mga nakaw na sandali.
Mga pangyayaring kaysarap isipin
Makita ka'y sayo lang napapatingin.

Sobrang napakasarap sa pakiramdam
Presensiya at aura mo'y aking damdam.
Di ko mabaling ang atensyon ko sayo
Hudyat na dapat sabihing "Ako'y iyong-iyo".


Dapat bang bumili ako ng ng maraming kahon?
Para paglagyan ng mga nasayang na pagkakataon?
Gusto kitang mapasyal sa ilog na dalisay
At itanong kung tayo ba'y panghabangbuhay.


Ngunit hindi ko kayang sabihin iyon
Pagiging matapang ay di ko matunton.
Kapag andiyan ka'y di ako mapakali
Masaya na sa mga nakaw na sandali.


Ika'y palaging nasa isip aking giliw
Sa dulo pangako ako'y hindi bibitiw.
Okay na ako na makita iyong mga ngiti
Kahit man lang sa mga nakaw na sandali.


Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)

Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakayahan.

Narito ang kompilasyon nga mga nagawa kong tula sa mga nagdaang araw :

Photocredit : One Two

English Poetry
Filipino Poetry
Dear FriendNasaan ang Hustisya
It Should have been MeUna't Huling Iibigin ko
My LoveOh Thesis Ko
LifeMahal Kita Kahit Magkaibigan lang Tayo
Secret LoveSandalan
Warriors AffectionOh! Kaibigan ko
Everything was PerfectMalaya
Always Be FriendsIneng, saan napunta ang iyong Dangal?
This Can't Be TrueO aking munting Prinsesa
YouTadhana'y Pinagkait
Everytime I look at youBat Biglang Napagod?
When I look in your EyesBinibining Kayganda
Superman Gets TiredHappy Birthday Mama Ko
-Takot Akong Mawala Ka
-Unti-Unting Nahuhulog

Sort:  

@jassennessaj i see that you are inspire. Keep it up.
Your friend
@sorenkierkegaard

@jassennessaj this is pure talent. nice piece!

nakakakilig!! <3

"Ika'y palaging nasa isip aking giliw
Sa dulo pangako ako'y hindi bibitiw.
Okay na ako na makita iyong mga ngiti
Kahit man lang sa mga nakaw na sandali."

Feels... :D

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 64460.09
ETH 3150.74
USDT 1.00
SBD 2.54