"Hahantong sa Simbahan" : A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

"Simbahan"


Nung ika'y makita ng sandali
Mundo'y tumigil ng maikli.
Napamangha sa iyong kagandahan
Magandang dilag ang namataan.

Mukha'y talagang nakakahumaling
Di ko nga alam saan ako babaling.
Hugis ng mukha'y napakarikit
Ngiti mo'y talagang mapang-akit.


Larawan mo'y sa umaga ka bumubungad
Sa isip kong walang iba ikaw ang hangad.
Hindi ko matancha kailan to nagsimula
Nalaman ko lang nung pisngi koy namula.


O giliw, ibang - iba ka talaga
Hitsura mo'y ubod ng ganda.
Hindi ko na talaga matiis
Gusto na kita maging misis.


Tulad mo'y pangarap nga lang ba?
O katorpehan ay bumabalot lang talaga?.
Kayhirap isiping magiging akin ka
Pero mas mahirap isiping sa iba ka mapunta..


Sana naman ako'y mapansin mo
Taong sobrang nahumaling sa iyo.
Binuhay mo ang tahimik kong mundo
Pinasigla mo malungkot na buhay ko.


Buti nalang at nakuha ko iyong pangalan
Palayaw mo daw ay "Chu" sabi ng kaibigan.
Sa ngayon gusto ko lang ika'y maging kaibigan
Pangako, tayo'y hahantong sa simbahan.


Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)

Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakayahan.

Narito ang kompilasyon nga mga nagawa kong tula sa mga nagdaang araw :

Photocredit : One Two

English Poetry
Filipino Poetry
Dear FriendNasaan ang Hustisya
It Should have been MeUna't Huling Iibigin ko
My LoveOh Thesis Ko
LifeMahal Kita Kahit Magkaibigan lang Tayo
Secret LoveSandalan
Warriors AffectionOh! Kaibigan ko
Everything was PerfectMalaya
Always Be FriendsIneng, saan napunta ang iyong Dangal?
This Can't Be TrueO aking munting Prinsesa
YouTadhana'y Pinagkait
Everytime I look at youBat Biglang Napagod?
When I look in your EyesBinibining Kayganda
Superman Gets TiredHappy Birthday Mama Ko

Sort:  

Wow @jassennessaj, what an amazing piece.You're very talented. Proud to be a Filipino here. You have my vote.

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64418.55
ETH 3157.64
USDT 1.00
SBD 4.06