"Patawad ang Hiling" : A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

"Patawad ang Hiling"


Patawad at ako'y nagkamali
Nagkamali sa isang sandali.
At sa panahong napakaikli
Sakit ay hindi ko na mabawi.

Inaako ko ang aking kasalanan
Ako'y humihingi ng kapatawaran.
Sa nagawang ikinagalit mo ng husto
Ito'y totoo, hindi ko iyon ginusto.


Kaya sana'y patawad ang hiling
Tampo'y patulugin mo na ng mahimbing.
Ika'y napakaimportante para sa'kin
Mahalagang-mahalaga higit pa sa'kin.


Pagsasamahan natin ay subok na
Alam natin yan, puno pa ng saya.
Sorry na oh, wag kanang magtampo
Alisin ang tampo, magbati na sana tayo.


Ilang taon na din ang ating naging samahan
Subok na ng panahon, marami ng pinagdaanan.
Tampuhan lang ito, wag naman sanang totohanan
Tampuhan lang at napakasimple lang ng dahilan.


Bati na tayo please lang pwede ba?
Ibalik ang dati na puno ng saya.
Puno ng tawa, at mga pangungutya
Ganun tayo dapat, palaging maligaya.


Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)

Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakayahan.

Narito ang kompilasyon nga mga nagawa kong tula sa mga nagdaang araw :

Photocredit : One Two

English Poetry
Filipino Poetry
Dear FriendNasaan ang Hustisya
It Should have been MeUna't Huling Iibigin ko
My LoveOh Thesis Ko
LifeMahal Kita Kahit Magkaibigan lang Tayo
Secret LoveSandalan
Warriors AffectionOh! Kaibigan ko
Everything was PerfectMalaya
Always Be FriendsIneng, saan napunta ang iyong Dangal?
This Can't Be TrueO aking munting Prinsesa
YouTadhana'y Pinagkait
Everytime I look at youBat Biglang Napagod?
When I look in your EyesBinibining Kayganda
Superman Gets TiredHappy Birthday Mama Ko
-Takot Akong Mawala Ka
-Unti-Unting Nahuhulog

Sort:  

nice idol.... @jassennessaj idol talaga kita sa paggawa ng orihinal na tula...gumagawa din ako ng tula pero hindi kasing galing mo

Akoy naantig. Maraming salamat, kaibigan :(

😍
Mahusay ang pagkakagawa
Dahilan bakit tinapos ko ang pagbasa
May punto may direksyon
Masaya, ang aking reaksyon
Asahang muli akong babalik sa pahina
Babasa at susuporta sa iyong karera. :)

Aww. Maraming salamat! :)

Im speechless! you are so taalented!! wide imagination ...thanks for sharing your talents ..keep posting please..

Thank you so much. I appreciate it :)

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 64579.45
ETH 3101.05
USDT 1.00
SBD 3.83